118

Jan 21, 2019 @ 13:38
By

Lacson tatakbo muli sa pagka-pangulo?

Tila hindi pa sarado ang pintuan ni Senador Panfilo Lacson sa posibleng pagtakbo sa pagka-pangulo.

Sa panayam sa telebisyon, walang direktang sagot si Lacson nang tanungin kung interesado siyang kumandidato sa puwestong babakantehin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022.

“Mahirap sagutin. .. hindi ko alam what the future will bring, kung babalik ako sa Senate o magre-retire,” sabi ni Lacson.

Tumakbo si Lacson sa pagka-pangulo noong 2004.

Tinalo siya ni dating pangulo at ngayon ay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Bumalik siya sa Senado nung 2016 at kuwalipikado siyang tumakbo muli sa pagka-senador sa 2022.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?