107

Aug 1, 2021 @ 21:04
By

Lacson suportado ng mga taga-Central Luzon

Ilulunsad ng iba’t-ibang sectoral leader at organisasyon sa Central Luzon ang isang grupong magbibigay ng matibay na suporta sa kampanya ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson sa pagkapangulo sa 2022.

Tinaguriang CenLuzon4Ping, ang grupo ay naniniwalang taglay ni Lacson ang “tapang, talino at katapatan.”

“Aanhin natin ang tapang na walang talino, at talino na walang katatagan? Ang kailangan natin ay isang lider na hindi lamang matapang, kundi may sapat na katalinuhan at kakayahan para tumbasan ang kanyang katapangan,” ani Teofilo Juatco, lider ng isang grupo ng magsasaka sa Nueva Ecija.

Ang mga magsasaka ay ilan lamang sa bubuo sa CenLuzon4Ping. Ang iba nilang mga miyembro ay binubuo ng mga mangingisda, maliliit na negosyante, kabataan, kababaihan at mga dating kawani ng mga ahensya ng gobyerno.

Nakalap din nila ang mga miyembro mula sa mga lalawigan ng Pampanga, Bulacan, Zambales, Bataan at Nueva Ecija.

Sa Lunes inaasahan ang pormal na paglulunsad ng grupo.

Si Lacson pa lamang ang pormal na nag-anunsyo ng pagkandidato bilang pangulo sa susunod na halalan, kung saan katambal niya si Senate President Tito Sotto, na target naman maging bise presidente. (

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?