285

Nov 20, 2021 @ 14:25
By

Lacson sumugod sa Pag-asa Island

Sa gitna ng tensyon sa China sa West Philippine Sea, binisita ni presidential aspirant Panfilo “Ping” Lacson ang Pag-asa Island at Puerto Princesa City sa Palawan nitong Sabado.

Nakipagkita siya sa mga residente at mangingisda roon pati na sa mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines Western Command (WesCom).

Ayon sa inilabas na pahayag ng Partido Reporma, ipinaalam ng mga miyembro ng WesCom kay Lacson ang lagay ng Pag-asa Island.

Bahagi rin umano ang pagbisita ni Lacson sa seryosong pangako nito na pag-aralan ang usapin bilang isa sa mga presidential aspirant na naghahangad na mamuno sa bansa sa susunod na anim na taon.

Kasama ni Lacson sina Partido Reporma president Pantaleon Alvarez, senatorial aspirant Guillermo Eleazar, secretary-general Edwin Jubahib, spokesperson Ashley Acedillo at National Unity Party chairman Ronaldo Puno.

Ang pagbisita ni Lacson ay ilang araw makalipas ang pagharang at pagbomba ng water cannon ng mga barko ng Chinese Coast Guard sa dalawang supply boat ng Pilipinas sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea, na tinawag na iligal ng Department of Foreign Affairs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?