37

Sep 8, 2021 @ 13:55
By

Lacson-Sotto tandem umarangkada na!

Pormal nang ipinahayag nina nina Senador Panfilo Lacson at Senate President Vicente Sotto III ang kanilang pagtakbo sa pagka-presidente at bise presidente para sa 2022 eleksyon.

Ang pahayag ay isinagawa sa isang taped program kung host si Pia Guanio. Ang video ay inere sa national television at iba’t ibang social media platform.

Inilunsad ng Lacson-Sotto tandem ang kanyang campaign motto na “Ito ang Simula” na nakasentro sa “Kataoangan, Kakayahan at Katapatan.”

Sinamahan ang dalawang senador ng kanilang mga pamilya sa pormal na pahayag ng kanyang tambalan.

Sa kanyang speech, binigyang diin ni Lacson na sapat ang “Kakayahan, Katapatan, at Katapangan” nila ni Sotto para pamunuan ang bansa at muling bumangon sa pagkakalugmok ng Pilipinas.

“Between me and Senate President Sotto are more than 80 years of honest, dedicated, and competent public service,” sabi ni Lacson.

“Malaking hamon subali’t kailangang maibalik ang tiwala ng ating mamamayan sa gobyerno at sa mga namumuno,” dagdag pa nito.

Ayon kay Lacson, dating pinuno ng Philippine National Police (PNP) bago nahalal na senador, kailangan umano ng Pilipinas ng lider na ‘ipaglalaban ang tama at ang mali ay lalabanan’.

“I could not stress it enough — ang tamang pamumuno ay dapat pangunahan ng “Leadership by example” — hindi sa salita kundi sa gawa. No leader can succeed if he cannot practice what he preaches,” ani Lacson.

“Kailangan natin ng lider na ang tama ay ipaglalaban at ang mali ay lalabanan. Kaya naman magiging una sa ating prayoridad ang mas maigting na pagtugon sa pandemya. Marapat lamang na punan ang mga kakulangan at ituwid ang mga kamalian.”

“We have to prepare for sustainable recovery from this health crisis. I have no doubt that with a united citizenry, we will soon see the day that COVID-19 will no longer be a scare,” diin pa nito.

Sa pambungad namang mensahe ni Sotto, hiniling nito sa publiko na pagkatiwalaan ang tambalan ni Lacson para pamunuan ang bansa.

“Ang inyo pong lingkod ay naririto upang harapin ang hamon sa tamang panahon na maging kandidato ninyo sa pagka-Pangalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas,” pahayag ni Sotto.

“Nguni’t higit sa lahat, ako po ay humaharap sa inyo upang hingin ang inyong tiwala. Tiwala na babangon muli ang bansa. Tiwala na magkakaroon muli ng pag-asa.”

“Ang inyong matibay na paniniwala na, sama-sama ay kakayanin nating ipanumbalik ang tiwala natin sa ating mahal na bansang Pilipinas,” sambit pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?