149

Nov 25, 2021 @ 22:36
By

Lacson-Sotto tandem ‘payayamanin’ mga magsasaka

Nangako ang tandem nina Senador Panfilo Lacson at Senate President Vicente Sotto III na kapag nanalo silang presidente at bise presidente, bibilhin nila ang 50 porsiyento ng produkto ng mga magsasaka para mapalakas ang agriculture sector.

Inihayag ito ni Sotto sa Lacson-Sotto Meet the Press forum nitong Huwebes.

“Ang gross value ng agriculture natin in 2020, P1.78 trillion pero ang proposal namin kung lahat ng output ng mga magsasaka natin bibilhin ng gobyerno ang 50 percent at their price, farm gate price, aba iba ‘yan, boosted ang agrikultura, boosted ang mga farm, puwedeng yumaman ang mga magsasaka. Yaman in the sense na hindi na sila naghihirap,” lahad ni Sotto.

Aniya pa, hindi na mangyayari na mababa sa walong porsiyento ang binibili ng gobyerno pagkatapos, kawawa ang mga magsasaka sa presyuhan ng mga trader at mga middleman.

“Sinong kumikita? Eh di ang mga middlemen pagdating sa palengke, mahal. Tingnan mo, ang laki ng impact sa inflation nito,” patuloy ni Sotto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?