55

Jul 22, 2021 @ 16:08
By

Lacson-Sotto tandem, namimili pa ng 5 para sa senatorial slate

Ikinukonsidera ng tambalan nina Senador Panfilo Lacson at Senate President Vicente Sotto III ang apat o lima pang pangalan kabilang isang kilalang personalidad para makumpleto ang kanilang senatorial line-up para sa 2022 election.

“To be very candid about it, there are about four or five names that we’re looking at and all five names are experienced,” pahayag ni Sotto sa online interview ng mga reporter.

Sabi ni Sotto, kasalukuyan umano silang nakikipag-usap ng kanyang runningmate na si Lacson sa isang kilalang personalidad at posible sa Sabado ay mahikayat na nila itong sumama sa kanilang senatorial line-up

“Meron kaming kausap na malaking tao eh, baka sa Sabado magkasundo kami,” Sotto said.

Noong Miyerkules, ibinunyag na ni Sotto ang 10 personalidad na kasama sa senatorial ticket ng Nationalist People’s Coalition para sa halalan 2022.

Ang mga nasa listahan ay sina dating Senador JV Ejercito, dating senador at ngayo’y Sorsogon Gov. Francis “Chiz” Escudero, Sen. Sherwin Gatchalian, Sen. Richard Gordon, DICT Secretary Gregorio Honasan, Sen. Joel Villanueva, Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri at House Deputy Speaker Loren Legarda.

Kasama din sa Lacson-Sotto senatorial slate si Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez at dating Comelec commissioner Gregorio “Goyo” Larrazabal.

Ang tambalan nina Lacson at Sotto – naunang nagkumpirma ng kanilang pagtakbo sa 2022 election – ay kailangan pa ng dalawang kandidato sa pagka-senador para makumpleto ang kanilang senatorial ticket.

Sabi ni Sotto, napagkasunduan nila Lacson na ang isasama nila sa listahan ay ay mga kandidatong magiging mabuti hindi lamang sa Senado kundi para sa bayan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?