136

Oct 4, 2021 @ 19:49
By

Mag-amang Binay team Lacson-Sotto na!

Nakipagkita ang kampo nina Senador Panfilo Lacson at Senate President Vicente “Tito” Sotto III kay dating Vice President Jejomar Binay sa Makati City ngayong Lunes.

Kasama sa pagpupulong sina Senator Nancy Binay, dating LPGMA party-list Rep. Arnel Ty at dating GSIS President Clint Aranas.

Ang dating bise presidente ay tatakbo sa pagka-senador sa 2022 elections sa ilalim ng United Nationalist Alliance at guest senatorial candidate ng Partido Reporma.

Si Lacson, na tatakbo sa pagka-pangulo ay chairperson ng Partido Reporma.

Si Sotto, na running mate ni Lacson, ay chairperson naman ng Nationalist Peoples Coalition.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?