135

Sep 28, 2021 @ 15:10
By

Lacson, Sotto kay Duterte: Bidding sa Senate bldg. sa DPWH itanong

Dapat umanong itanong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Public Works and Highway (DPWH) ang tungkol sa bidding process para sa konstruksyon ng bagong gusali ng Senado sa Taguig City.

Ito ang sinabi ni Senate President Vicente Sotto III at Senador Panfilo Lacson matapos tanungin ni Duterte kung bakit ang construction firm na sangkot sa overpriced Makati City building at Iloilo Convention Center ang napili bilang contractor ng P8.9 bilyong halaga ng gusali ng Senado.

“It’s best if he asks the DPWH because we assigned everything to them. Design lang ang sa Senate (We only gave the design),” sabi ni Sotto sa kanyang mensahe sa mga reporter.

Sinang-ayunan ni Lacson, chair ng Senate accounts committee, ang pahayag na ito ni Sotto sa pagsabing ang DPWH ang nagsagawa ng bidding para sa pagtatayo ng bagong gusali ng Senado.

“President Duterte has been grossly misinformed, hence he barked up the wrong tree. He should have asked his own Department of Public Works and Highways, being the procuring and implementing agency of the project,” ani Lacson.

“It was the DPWH that prepared the Program Of Works, the Terms of Reference and all bid documents, conducted the bidding, awarded, prepared the contract, signed the contract, and issued the notice to proceed, including the cost of the building. The Senate representative was only an observer during the bidding process,” dagdag pa nito.

“In fact, after the notice of award was issued, I took time to warn the contractor in the presence of some DPWH officials against giving SOP’s to anyone and in whatever form, particularly on the construction of the new Senate building,” ayon pa kay Lacson.

Noong Marso 2019, sinabi ni Lacson na nanalo ang Hilmarc Construction Corporation sa bidding para sa pagtatayo ng bagong gusali ng Senado na matatagpuan sa 1.8 ektaryang Navy Village sa Taguig City na pinamamahalaan ng Bases Conversion Development Authority (BCDA).

Ang notice of award na may petsang Pebrero 12, 2019 at naka-post sa DPWH website.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?