39

Jul 20, 2021 @ 18:53
By

Lacson-Sotto kakasa sa 2022 elections

Matutunghayan sa 2022 elections ang tambalang Senador Panfilo Lacson at Senador Vicente Sotto III para sa pangulo at pagkapangalawang pangulo, ayon na rin sa anunsyo ni Sotto nitong Martes.

Sa exclusive interview ng programang The Source ng CNN inanunsyo ni Sotto ang kanilang plano.

“You can already read between the lines that the answer is yes,” pahayag ng Senate president.

Sa Agosto 4 umano nila opisyal na iaanunsyo ni Lacson ang kanilang pagkandidato. Sa Oktubre pa naman ang pagsusumite ng certificate of candidacy.

Nang tanungin kung ano ang maiaambag ng tambalang Lacson-Sotto sa bansa, sinabi ng Senate president ang tatlong mahalagang katangian.

“Let me sum it up in three words based on what we can offer: kakayahan, katapatan, katapangan,” pahayag ni Sotto.

Dagdag pa niya, hindi sila natitinag sa survey kung saan nangunguna ang Duterte-Duterte tandem sa pagkapresidente at bise presidente.

“Malayo pa eh,” dagdag ni Sotto. “The surveys that they are getting right now are not really reflective of what might happen on the 2nd Monday of May. So it really depends sa ating mga kababayan.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?