749

Dec 9, 2021 @ 19:32
By

Lacson, Sotto hindi bilib sa mga motorcade

Hindi fan ng mga motorcade ang Lacson-Sotto tandem dahil hindi anila nila mapapakinggan ang hinaing ng mga tao habang sakay ng umaandar na sasakyan.

Paliwanag ni Senate President Vicente Sotto III, ang estilo nila ni Partido Reporma standard bearer Panfilo Lacson ay abutin at kausapin ang mga botante.

“Ang strategy namin is to try to reach and talk to the people. So hindi kami pass-by, kasi hindi mo makakausap (‘yong tao) eh. That’s the strategy,” ani Sotto sa Meet the Press forum.

“Either (you talk to) the people themselves or the representatives of the people, ‘yon po ang intensyon ng Online Kumustahan na hybrid, sapagkat nagpupunta kami mismo doon sa lugar para marinig sila, mapakinggan natin kung ano ‘yong sinasabi nila, at marinig din nila kung ano ang sinasabi namin,” patuloy niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: