445

By

Lacson sinita si Gordon dahil hindi makasingit sa Senate hearing

Sharing is caring!

Kinumpirma ni Senador Panfilo Lacson na minsan niyang kinompronta si Senador Richard Gordon dahil sa ugali nito sa mga pagdinig ng Senate blue ribbon committee.

Ayon kay Lacson, harapan niyang sinabi kay Gordon ang pagkadismaya rito dahil hindi masingitan sa pagtatanong sa gitna ng mga pagdinig ukol sa smuggling ng 604 kilo ng shabu buhat sa China.

Halos lahat ng mga senador ay hindi na aniya makapagsalita sa mga pagdinig kapag nag-umpisa na si Gordon.

Idiniin naman ni Lacson na hindi naman nasira ang kanilang pagkakaibigan nang dahil doon.

Pero tumigil na siya sa pagdalo sa mga pagdinig ng kumite ni Gordon at nanood na lang nito sa kaniyang opisina para pagbigyan na lang ang ito dahil madalas aniyang mainit o passionate sa pagdinig.

Sa pagkadismaya sa ugali ni Gordon na hindi masingitan, hindi pumirma si Lacson sa Blue ribbon report nito ukol sa bakunang Dengvaxia.

Balak din ni Lacson na punahin ang inugali ni Gordon sa plenary debates ukol sa nasabing Blue ribbon report pero hindi niya ito ipasisibak bilang committee chairman.

Samantala’y iginiit nito na walang karapatan si Senador Antonio Trillanes IV na hingin ang pagpapatalsik kay Gordon bilang Blue ribbon chairman dahil myembro ito ng minority bloc.

Ang chairmanship ng mga kumite ng senado ay desisyon ng majority bloc.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?