66

Nov 9, 2020 @ 15:48
By

Lacson: Sinas ‘good choice’ bilang PNP chief

Bagama’t nadawit sa kontrobersya na ‘mañanita’ sa kasagsagan ng implementasyon ng lockdown dahil sa pandemya, si Major General Debold Sinas pa rin ang ‘good choice’ sa pinakamataas na posisyon sa Philippine National Police (PNP).

Ito ang sinabi ni Senador Panfilo Lacson matapos ihayag ng Malacañang na si Sinas ang napili ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang kapalit ni outgoing PNP chief Camilo Cascolan na magreretiro sa Nobyembre 10.

“Barring any controversy that MGen. Sinas got entangled with in the past, he is a good choice for the top PNP post,” reaksyon ni Lacson.

“I’ve known him as a performer, always mission oriented and undoubtedly will lead the police institution the way it should be led,” dagdag pa ng dating PNP chief.

Ayon naman kay Senate President Vicente Sotto III, mas magandang umpisahan ni Sinas ang kanyang trabaho bilang bagong PNP chief na i-orient ang police force lalo na ang anti-carnapping group.

“He should start by reorienting the police force specially the anti-carnapping group. Re Cavite shootout, ayaw magbigay ng papeles, dapat inaresto agad. Naunahan pa silang bumunot ng baril,” sabi ni Sotto.

“PNP pa namatayan all because they were tentative in arresting the suspects. Just because there is a navy uniform hindi na puwedeng arestuhin agad when the violations are obvious?” sambit pa nito.

Ang tinutukoy ni Sotto ang isang miyembro ng High Patrol Group na napatay sa shootout sa isang anti-carnapping operation sa Cavite City noong Biyernes ng hapon.

Sabi sa ulat, nangyari ang barilan nang harangin ng Highway Patrol Group sa pangunguna ni Master Sergeant Julius Arcalas ang isang sasakyan na walang plate number at conduction sticker.

Hiningan ng mga pulis ng ID ang dalawang sakay ng kotse na nagpakilalang miyembro ng Philippine Navy subalit tumanggi ang mga ito.

Bumaba ng sasakyan ang isang Methusael Brown Cebrian na pinagbabaril ang mga pulis.

Namatay habang ginagamot sa ospital si Arcalas habang isang street sweeper naman ang nasugatan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?