57

By

Lacson sa SC: Desisyunan kung may kapangyarihan si Duterte na putulin ang VFA

Nanawagan si Senador Panfilo Lacson sa Supreme Court na agad na desisyunan kung kaya ba o hindi na tapusin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang treaty o bilateral agreement na walang susog ng Senado.

“In the absence of a Philippine Supreme Court ruling on the President’s power to unilaterally break a treaty or bilateral agreement like the VFA (Visiting Forces Agreement) without the consent of a 2/3 supermajority vote of the members of the Senate, the President can do that without the Senate’s approval or consent,” sabi ni Lacson sa isang statement.

“Having said that, the Supreme Court should act soonest on whether the Senate’s consent is needed before the executive department can terminate a treaty or bilateral agreement – an issue raised in a petition filed before it by members of the Senate,” dagdag nito.

Noong Marso 2018, naghain ang mga opposition senator ng petisyon sa SC na naglalayong i-invalidate ang pag-atras ng Pilipinas mula sa Rome Statute of the International Criminal Court (ICC).

Sa kanilang petisyon, ikinatuwiran nina Sens. Francis ‘Kiko’ Pangilinan, Franklin Drilon, Leila De Lima, Risa Hontiveros, at dating mga senador na sina Antonio Trillanes IV at Bam Aquino na ang pag-urong ng Pilipinas ay dapat may basbas ng Senado.

Iginiit noon ni Duterte na ang walang basehang alegasyon at patuloy na pag-atake ng UN kaugnay ng extrajudicial killings sa bansa ang siyang pangunahing dahilan ng pag-atras ng Pilipinas sa ICC.

Muling binuhay ni Lacson ang nakabinbing petisyon sa korte matapos magbanta si Duterte na tatapusin na niya ang VFA sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos kasunod ng pagpapawalang-bisa ng US visa ng kaalyado nitong si Senador Ronald “Bato” dela Rosa.

Iginiit pa ni Lacson na ang VFA sa pagitan ng Pilipinas at US ay bilateral accord na dumaan sa diskusyon bago ang ratipikasyon nito sa Senado.

Samantala, ang US visa naman ay isang conditional authorization na ibinibigay sa isang bumibisitang dayuhan na maaaring ipagkaloob, kanselahin at tanggihan na wala nang kailangang paliwanag.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?