1,143

By

Lacson sa PNP: Ikalat ang mga pulis kaysa manghuli ng tambay

Iginiit ni Senador Panfilo Lacson sa Philippine National Police (PNP) na magpakalat ng mas maraming pulis sa mga komunidad.

Kung maari pa, tularan ang pagpapakalat niya ng mga tauhan ng Philippine Marines, kasama ng mga pulis, noong siya pa ang pinuno ng PNP.

Ayon sa senador, nasubok noon na mas epektibo ang police visibility sa pagsawata ng krimen kaysa palaging manghuli ng mga gumagawa o maaring gumawa ng krimen gaya ng panghuhuli ngayon sa mga tambay.

Pinuna nito na nakatuon ngayon ang kampanya ng PNP sa “crime suppression” kaysa sa “crime prevention.”

“Sa problema sa kriminalidad at droga, mas importante ay prevention. Saka na lang ang crime suppression,” ani Lacson.

“Ang ginawa naming noon, pinaigting ang police visibility at may nakaalalay na Marines on foot patrol. Ang resulta, 75 percent agad ang ibinaba ng petty crimes,” dagdag nito.

Ngayong nasa 175,000 na ang mga pulis, mas marami noong siya ang hepe, hindi pa umano niya nakikita ang matinding police visibility.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?