By

Lacson sa Palasyo: Maging transparent sa paglapag ng Chinese military plane sa Davao

Sharing is caring!

Hinikayat ni Senador Panfilo Lacson ang Malacanang na ihayag ang lahat ng detalye ukol sa paglapag sa Davao City ng eroplano ng militar ng China.

Ayon kay Lacson, kung istrikto namang nasunod ang lahat ng protocol, batay sa international standards, walang dahilan para maglihim ukol dito.

Nagpaalala ang senador na magdududa ang publiko kapag inipit ang impormasyon ukol dito.

“If these protocols were followed by the Chinese military aircraft, there is no reason why our concerned government officials should not make public the same,” pahayag ni Lacson.

“Being silent or vague on this issue will only raise more questions,” dagdag ng senador.

Idiniin naman ng senador, na dating namuno sa Philippine National Police (PNP) na walang ilegal o iregular sa paglapag dito sa bansa ng military aircraft ng dayuhang bansa.

Basta’t ito ay dumaan sa tamang diplomatic channel at pinaaprubahan sa Department of National Defense (DND).

Sa lumapag na eroplano ng Chinese military sa Davao City, mismong si Defense Secretary Delfin Lorenzana ang nagsabi na binigyan nila ito ng clearance at para umano ito sa refuelling ng eroplano.

Ayon kay Lacson, ang DND ang kailangang mag-aprub o tumanggi sa ganitong paglabag ng dayuhang eroplano dahil may implikasyon ito sa pambansang seguridad.

Kung hindi nasusunod ang ganitong protocol at hindi alam ng kaukulang opisyal o ahensya ng gobyerno ang pagpag ng Chinese military aircraft, naging probinsya na ng China ang Pilipinas at delikadong maging kolonya nila ang bansa kapag sabay sabay na nagpakarga ng gasolina ang kanilang military planes sa lahat ng paliparan dito sa bansa.

“If such protocol was not observed, and worse, if the concerned officials were not even aware until such Chinese military aircraft had already landed, then, we acted like a province of China rather than an independent and selecting state,” pahayag ni Lacson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?