3,285

Aug 1, 2019 @ 21:24
By

Lacson sa mga bagitong Senador: ‘Wag muna makipagdebate, tiyak matatamaan kayo

May simpleng payo si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson sa mga baguhang senador: Huwag mangahas na magtatayo at makipagdebate dahil kung hindi ay baka bandang huli’y mapahiya sila ng ilang beteranong senador.

Kuwento ni Lacson noong unang tapak niya sa Senado noong 2011, pinayuhan umano sila noon ni Senador Vicente Sotto III, na ngayong Senate President, sa kung ano ang dapat gawin sa plenaryo ng Senado.

“When we first came to the Senate in 2001, pinulong kami ng mga matagal doon. Natandaan ko SP Sotto at the time nariyan sa Senate dinatnan namin. Sabi niya ito lang advice ko sa inyo. Kayo mga bagito, huwag kayong tayo ng tayo kaagad,” lahad ni Lacson.

“Makiramdam kayo ng maski 3-4 buwan, manood muna kayo. Huwag kayong mangahas na magtatayo at magdedebate kayo riyan at tiyak matatamaan kayo,” ang payo pa umano ni Sotto sa kanya noon.

Ginawa ni Lacson ang reaksiyon matapos hingan ng reaksiyon hinggil sa ginawang panggisa ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa bagitong mambabatas na si Senador Francis Tolentino matapos mag-privilege speech sa unang pagkakataon noong Lunes.

Sa kanyang unang privilege speech, idinipensa ni Tolentino ang verbal agreement ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese President Xi Jinping kung sinabi nitong ‘valid’ at ‘legal binding’ umano ang kasunduan hinggil sa pangingisda ng mga Tsino sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Hinamon ni Drilon si Tolentino na maglabas ng detalya sa naturang kasunduan para matukoy ang bisa nito. Subalit giit ni Tolentino, wala siyang detalye ng kasunduan at binase lang niya ito sa mga ulat sa media.

Noong Miyerkules, iminungkahi ni Drilon na talakayin na lang ang isyu sa komite at huwwag na sa plenaryo ng Senado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?