31

Jan 13, 2021 @ 21:10
By

Lacson sa House panel bilang Con-Ass: ‘Patawarin natin sila’

Inihayag ng ilang mga lider ng Senado na hindi maaaring umupo bilang Constituent Assembly (Con-Ass) ang House Committee on Constitutional Amendments kapag nagpatuloy ang pagdinig sa panukalang amiyendahan ang 1987 Constitution.

“Congress is on a break, the only way a Con-Ass can be initiated and considered to sit as one, is if it’s done in plenary and session assembled,” ayon kay Senate President Vicente Sotto III.

Sabi ni Sotto, nakatakda ang pagpapatuloy ng sesyon sa Kongreso sa Lunes, Enero 18, at ang komite na pinamumunuan ni Cong. Alfredo Garbin ay nagsasagawa na ng simpleng committee hearing.

“If we want to tinker with the Constitution, we had better make sure our rules and procedures are sharpened!” sabi ni Sotto.

Naniniwala naman si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na nagkamali si Garbin nang sabihin niya na umuupo na ang kanyang komite bilang Con-Ass.

“Congress is in recess so I’m not sure how there was plenary action on their resolution to form a constituent assembly,” sabi ni Zubiri sa kanyang text message.

“Our rules only allow committee hearings to take place during the break. So he may be discussing approval on committee level,” dagdag nito.

Iginiit naman ni Senador Panfilo Lacson na posibleng hindi alam ni Garbin ang kanyang ginagawa.

“Last time we heard, the Congress of the Philippines is composed of the Senate and the House of Representatives. Patawarin natin sila. Hindi nila alam ang ginagawa nila,” sabi ni Lacson.

Nauna rito, sinabi ni Garbin sa pagdinig ng House constitute committee na umuupo na sila bilang Con-Ass dahil tinatalakay na nila ang panukalang pag-amiyenda sa Saligang Batas.

“When we deal with or propose amendments to the Constitution, we are sitting as a con-ass. Hindi tayo kailangan magbagong-anyo na kung saan iba ‘yung suot natin o magsama-sama tayo,” sabi ni Garbin.

“Every time we deal with proposing amendments to the Constitution or revising the Constitution, we are sitting as a con-ass exercising our constituent power,” dagdag nito.

Sinang-ayunan naman siya ni vice panel chair at Iloilo 3rd Dist. Rep. Lorenz Defensor. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?