112

Dec 9, 2018 @ 17:40
By

Lacson sa AFP, DND: Kumbinsihin nyo kami sa Martial Law extension

Hihingan bukas ng Senado ng malawak na paliwanag ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang Department of National Defense (DND) kaugnay ng hinihingi nilang pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, kailangang bigyan sila ng mabigat na dahilan para katigan ng mga senador ang ikatlong pagpapalawig ng Martial Law.

“Kailangan kumbinsihin nila kami na pwede pa ang third extension,” ani Lacson.

“Madali lang ang tanungan diyan, simple lang. Nag-e-exist ba ang condition, may rebellion pa ba roon o anong magandang maidudulot ng Martial Law? Ano bang magagawa nyo pa na di nyo nagawa? Parang ganoon,” sabi pa ni Lacson.

Aminado naman si Lacson na kumontra man ang 22 senador sa Martial Law, wala itong saysay dahil isasanib lang ang kanilang bilang sa halos 300 konggresista.

“As if naman factor ang aming boto kasi voting jointly yan. 22 kami, maski hindi magma-matter at least ang boses ng Senado may ipapakita pero base ito sa briefing bukas,” sabi ni Lacson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?