61

Sep 16, 2021 @ 17:47
By

Lacson: Produkto ng Pharmally mas mahal kesa local manufacturer

Dindo Matining

Batay sa mga opisyal na record, mas mahal ang mga item o medical supply ng Pharmally Pharmaceutical Corporation kumpara sa kalaban nito.

Ito ang sinabi ni Senador Panfilo Lacson taliwas sa claim ni deputy Ombudsman at dating Department of Budget and Management Procurement Service official na si Warren Liong na walang overpricing o iregularidad sa pagbili ng medical supply para sa pandemya noong 2020.

Sa mga talang nakuha sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee, nakita doon ang pagkakaiba sa presyong inaalok ng mga local manufacturer at ng Pharmally.

“Ang record magsasalita rito. Kumpara mo sa presyo na quote o pagbenta ng ibang suppliers di hamak mas mataas ang galing sa Pharmally. We refer na lang sa record. Official lahat yan,” sabi ni Lacson sa panayam sa Teleradyo.

Ayon kay Lacson, may isang local company na nag-alako na gumawa at magbenta ng face masks sa halagang P13.50 kada isa kumpara sa P22.50, P22 at P27.50 ng Pharmally.

Dagdap pa nito may isa pang local manufacturer na nag-alok ng face mask sa presyong P13 bawat isa.

“Kung benta ni Mr Ferrer (Ferdinand Ferrer, EMS) na local entrepreneur P13.50, Pharmally P22.50, P22, P27.50, ano mas mahal doon? Kung kaya ibenta ng P13.50 ng ibang supplier. Pati isa sa india na 50K pieces, P13,” ani Lacson.

“Bukod tangi presyo ng Pharmally. Bahala ang kababayan natin maghusga,” dagdag pa nito.

Pinabulaanan di Lacson ang pahayag ni Liong nasunod ang procurement law sa ilalim ng Bayanihan 1 sa pagbibigay ng kontrata sa Pharmally.

Makikita aniya sa record na bagama’t pinapayagan ang direct negotiation, dapat umanong ‘legally, technically at financially capable ang kumpanyang sangkot.

“Maliwanag di financially capable ang Pharmally. At wala pang purchase order naka-deliver na sila. Kung walang nagimplwensya ewan natin kung alin ang totoo. Kung walang connection paano naka-deliver at singili kung di ka pa nakakuha ng purchase order? Sobrang bilis naman,” sabi ni Lacson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?