101

Apr 22, 2021 @ 17:07
By

Lacson pinitik si Parlade: Sablay sa kadaldalan!

Nagiging ‘liability’ lang umano ng gobyerno si Lt. General Antonio Parlade Jr., spokesperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) dahil sa malisyosong akusasyon nito lalo na isyu ng red-tagging at pro-filing kung saan ang panibagong pinag-iinitan nito ay mga organizer ng community pantry sa bansa.

Kaya naman sa inaprubahang committee report ng Senate committee on justice na nag-imbestiga sa isyu ng red-tagging, inirekumenda nilang agad na palitan si Parlade bilang tagapag-salita ng NTF-ELCAC.

Hindi lang dahil sa labag sa Konstitusyon ni Parlade, commander din ng Armed Forces of the Philippines -Southern Luzon Command, ang kanyang posisyon kundi dahil na rin sa mga sablay nitong pahayag at intepretasyon sa sa mga batas.

“Early this year, the Senate approved in plenary my Committee’s recommendations on the red-tagging issue – including the immediate relief of Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. as spokesperson of NTF-ELCAC, not only because his civilian position is violative of the Constitution,” pahayag ni Lacson sa isang statement.

“He has in fact, on many occasions, become a “liability” to the overall efforts of the government, as well as the government’s position on the pending 37 petitions against the Anti-Terrorism Act of 2020 before the Supreme Court, mainly due to his careless remarks and flawed interpretation of certain provisions of the law,” dagdag pa nito.

Subalit hindi umano pinansin ng Department of National Defense ang kanilang rekomendasyon.

Hindi naman matiyak ni Lacson kung kaya niyang madepensahan ang panukalang pondo ng NTF-ELCAC para sa susunod na taon tulad ng ginawa niyang noong mga nagdaang taon lalo na’t naapektuhan ang naturang program ng mga sablay na pahayag ni Parlade.

“Unfortunately, the DND has openly ignored the Senate in that regard. Thus, I am not sure if I will still defend their budget this year with the same tenacity as I did the previous years – especially if the NTF-ELCAC spokesperson continues to threaten to affect its mission with uncalled-for statements,” ayon kay Lacson.

Gayunpaman, binigyang-diin ni Lacson, vice-chairman ng Senate finance committee, na patuloy niyang susuportahan ang panukalang pondo at mga programa ng AFP, DND at iba pang attached agencies nito.

“The same is true in my capacity as Vice Chairman of the Committee on Defense in the Commission on Appointments, in ensuring the confirmation of the senior officers of the AFP will not be disturbed or delayed,” sabi ni Lacson.

“I have not asked for any favor in return, except for them to be true to their oath, apart from being professional and honest in handling the funds of their respective commands,” sambit pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?