433
ping-lacson

Lacson pikon na sa PDEA, Customs: Sayang badyet n’yo!

Sharing is caring!

Kinastigo ni Senador Ping Lacson ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bureau of Customs (BOC) dahil nagsisisihan sa paglusot ng may isang tonelada ng shabu.

Ayon kay Lacson, nagtuturuan ang dalawang ahensiya habang bigo silang makahuli ng big time drug dealers sa kabila ng malaking badyet na ibinibigay sa mga ito.

“We’ve been giving them all the budgetary support they need. I should know because I am the sponsor of their budget in the Senate,” diin nito.

Natuklasan noong Biernes sa General Mariano Alvarez, Cavite ang hinihinalang bodega ng shabu.

Natagpuan ang mga magnetic lifter na pinagsidlan ng shabu pero walang nakumpiskang shabu at wala ring nadakip.

Sinabi ng PDEA na nakalusot iyon dahil sa pakikipagsabawatan ng mga taga BOC habang sinabi ni BOC Commissioner Isidro Lapena na dapat ay tinitimbrehan sila ng PDEA.

Ikinairita ito ni Lacson.

“Finger pointing won’t help their campaign any. What is annoying is how come up to now, and it’s been more than 2 years, but they haven’t busted any of the big time shabu smugglers,” diin ng senador. Isaac Mendez

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?