21

Jul 31, 2020 @ 20:17
By

Lacson: PhilHealth mafia muling nabuhay!

‘Back with a vengeance’ — ‘yan ang paniniwala ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson sa muling paglutang ng korapsyon sa state insurance agency na Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

Saad ni Lacson, mayroon na umanong mga testigo na handang humarap kaugnay sa umano’y malalim na katiwalian sa nasabing ahensya.

“We have witnesses who are willing to testify and detail the pervasive and deep-rooted corruption in the Philippine Health Insurance Corp,” saad ng mambabatas.

Aniya pa, posibleng hindi umano naalis ang ‘core group’ sa aniya’y ‘mafia’ sa PhilHealth.

“It is revolting to see the PhilHealth mafia very much active and still in control of the already depleted resources of the agency, made worse by blatant manipulation of its financial statements,” pakli pa ni Lacson.

“They must have mastered the art of influence-peddling as they seem to continue to gain access to the ‘corridors of power.'”

Matatandaan na muling naungkat ang korapsyon sa PhilHealth matapos magbitiw ang anti-legal fraud officer ng ahensya dahil hindi na kinayanan ang umano’y korapsyon dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?