114

Jun 10, 2021 @ 22:15
By

Lacson papangalanan ‘Usec’ na bumuo ng mga troll farm

Tumanggi muna si Senador Panfilo Lacson na pangalanan ang “undersecretary” na umano’y nagbubuo ng mga troll farm sa bansa at aniya’y isisiwalat lamang niya ito kapag mayroon nang affidavit ang kanyang informant.

“Kinukumbinse ko ‘yung nakausap niya (undersecretary) na mag-execute ng affidavit. Sa ngayon hindi pa sumasagot. Oras na mag-execute ng affidavit puwede kong banggitin kung sino of course,” lahad ni Lacson sa interview ng TeleRadyo.

Noong Martes binunyag ni Lacson ang paggamit sa pondo ng bayan ng “undersecretary” para maglagay ng “at least 2 troll farms” kada lalawigan, na posibleng magamit sa 2022 elections.

Matapos ang kanyang pagbubunyag ay marami ang humikayat kay Lacson na pangalanan ang naturang “undersecretary”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?