591

May 16, 2019 @ 19:17
By

Lacson: Palawan mayor-elect Danao malaking inspirasyon sa politika

Isa na namang ordinaryong tao ang bumasag sa political dynasty sa Narra, Palawan matapos tanghaling alkalde si Gerandy Danao.

Sa tweet ni Senador Panfilo Lacson, isa umanong malaking inspirasyon sa politika si Danao dahil nagsimula ito sa isang maliit na goat farm hanggang sa daigin ang dinastiya sa Palawan.

Pero kailangan umano nito ng tulong mula sa national government at gabay para hindi makain ng sistema ng maruming politika.

“Mayor-elect Gerandy Danao is one big inspiration in politics. He used to tend a small goat farm until he defeated a political dynasty in Narra, Palawan. He needs help from the national government and all the guidance not to be eaten by the system of dirty politics,” tweet ni Lacson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?