61

May 10, 2021 @ 18:40
By

Lacson: NTF-ELCAC lalong masisira kung mananatili si Parlade

“They made their choice, and it will cost them.”

Ito ang sinabi ni Senador Panfilo “Ping” Lacson, chair ng Senate committee on national defense, matapos manatili bilang spokesperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) si Army Lt. Gen. Antonio Parlade Jr.

Nauna nang kinuwestiyon ni Lacson ang pagkatalaga ni Parlade bilang tagapagsalita ng task force dahil nakasaad sa batas na walang miyembro ng armed forces na aktibo sa serbisyo ang puwedeng italaga sa anumang kapasidad sa isang sibilyan na posisyon sa gobyerno.

“Since the time the NTF-ELCAC was created, being the principal sponsor of their annual budget I have been their most reliable ally in the Senate – until now. That said, there’s no point discussing, much less arguing with people who refuse to listen to reason and adhere to the rule of law,” pahayag ni Lacson sa kanyang mensahe sa mga reporter.

“The Senate as an institution has made our collective and legal position on the issue of Parlade’s appointment in a civilian position which the Constitution clearly proscribes. All I can say is, they made their choice, and it will cost them,” dagdag pa nito.

Bukod kay Parlade, inihayag din ni National Security Adviser and NTF-Elcac Vice-Chairman Hermogenes Esperon Jr. ang animanga pang tagapagsalita ng anti-insurgency body.

Nanatili din bilang spokesperson ng NTF-ELCAC si Presidential Communications Operations Office Undersecretary Lorraine Badoy.

Si Paralade ay kinastigo dahil sa pag-red-tag nito sa ilang mga indibidwal at grupo, kasama na rin ang mga organizer ng mga community pantry sa bansa.

Nauna nang inirekomenda ng Senado na tanggalin si Parlde bilang spokesperson ng NTF-ELCAC.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?