338

Oct 26, 2018 @ 10:23
By

Lacson nanghinayang sa pagtanggal kay Lapeña sa BOC

Ikinalungkot ni Senador Panfilo Lacson ang pagsipa kay Isidro Lapeña bilang commissioner ng Bureau of Customs (BOC).

Sa pamumuno ni Lapeña sa BOC, tumaas umano ang koleksyong buwis ng BOC at regular na nitong nalagpasan ang target na revenue collection.

Nasira lang aniya si Lapeña dahil sa pakikipagsabwatan ng ilang mababang tauhan ng BOC sa nagpuslit ng shabu.

Inalis ni Pangulong Rodrigo Duterte si Lapeña bilang pinuno ng BOC pero itinalaga bilang kalihim ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Ipinalit kay Lapeña si Leonardo Guerrero, dating chief o staff ng Armed Forces of the Philippines at naging administrator din ng Maritime Industry Authority (MARINA) mula nitong nakaraang Abril.

“I hope Retired General Guerrero can fill in the big boots left by Lapeña but not suffer the same fate as he did,” ani Lacson.

Kinatigan naman ni Lacson ang pagbalasa ni Duterte sa BOC.

“I can only conclude that PRRD has once again shown his zero tolerance in his battle against illegal drugs,” sabi ni Lacson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?