94

Sep 8, 2021 @ 14:01
By

Lacson nangako: Walang mangungurakot, magsasamantala

Bitbit ang campaign slogan na “KKK” o “Katapangan, Kakayahan at Katapatan”, binigyang diin ni presidential candidate Senador Panfilo “Ping” Lacson na walang mangungurakot at walang magsasamantala sa oras na mahalal bilang susunod na pangulo ng bansa.

“Kailangan ang mahigpit na disiplina sa paggastos ng kaban ng bayan. Walang mangungurakot at magsasamantala, malapit mang kaibigan o hindi kilala,” pahayag ni Lacson sa kanyang talumpati sa pormal na pag-anunsyo ng tambalan nila ni Senate President Vicente Sotto para sa 2022 election.

“Dapat isa lamang ang pamantayan na susundin at ipapatupad ng lahat, para sa lahat. Walang sisinuhin sa mga ganid na ginagawang negosyo ang gobyerno,” dagdag pa nito.

Ayon pa kay Lacson, dapat maipakalat at maibahagi sa iba’t-ibang sulok ng kapuluan ang mas malaking resources ng bansa.

“Local government units must be given bigger roles and responsibilities and more autonomy in nation-building, but with greater accountability. The National Government will be their Big Brother watching over their shoulders,” sambit ng senador.

“Hindi lamang upang tulungan at gabayan na paunlarin ang kani-kanilang mga komunidad, kundi papanagutin ang sinumang magkukulang o magmamalabis. Kaunting tiis na lang, malapit na, makakaahon na tayo,” saad pa nito.

Sabi pa ni dating Philippine National Police (PNP), gagawa sila ng roadmap o master plan na siyang magsisilbing ‘platform of government’ na kanilang ipiprisinta sa taumbayan

“After all, sa takdang panahon, kayo ang magdedesisyon kung karapat-dapat ba kaming pagkatiwalaan na mamuno sa ating bayan,” ani Lacson.

“We are nearing the crossroads of our nation’s modern history — and we cannot afford to choose the wrong direction in charting the course of our nation in the next six years.

“Having said all that, with all your help and cooperation, this is where Tito Sotto and I intend to steer our country,” lahad pa ni Lacson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?