64

Jan 4, 2022 @ 19:23
By

Lacson naka-quarantine

Nasa self-isolation ngayon si Senador Panfilo Lacson.

Ani Lacson, na-expose siya sa anak na nagpositibo sa coronavirus.

Nagpa-swab test na si Lacson at bukas, January 5 malalaman ang resulta nito.

Sa isang mensahe sa mga reporter, sinabi ng senador na na-test ding COVID positive ang kasambahay niya at driver nitong Martes ng umaga.

“In isolation with sore throat after getting exposed. Many relatives and friends are saying their household members have tested positive. Swabbers must be very busy. Been waiting since we called this morning. MASK, IWAS, HUGAS,” tweet ni Lacson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?