1,295

Oct 14, 2021 @ 14:44
By

Lacson nainsulto sa Leni-Sotto tandem

Inihayag ni Senador Panfilo Lacson na pakiramdam niya’y nainsulto siya pagkatapos ng ikalawang “unification meeting” kasama si Vice President Leni Robredo.

Bukod kay Robredo, kasama umano sa nasabing pagpupulong ang kanyang running mate na si Senate President Vicente Sotto III at Senate Minority Leader Franklin Drilon ng Liberal Party (LP).

Sinabi umano sa kanya ni Sotto na tinuturo ni Drilon sina Leni at ang Senate President na mag-tandem na lang sa susunod na halalan.

“Tinuro niya si VP Leni saka si Senate President Sotto na sila yung magka-tandem in my face. It’s good that I did not notice it. I was only informed by the SP after our meeting,” lahad ni Lacson sa isang forum sa Quezon City.

“Sabi niya [Sotto], ‘Di mo ba napansin? Na yung dalawang daliri ni Frank nakaturo sa aming dalawa.’ Parang effectively, telling me, in my face, to withdraw and mag-create ng bagong tandem between the Vice President and the Senate President,” dagdag nito.

Kung napansin lang aniya iyon, maaaring tumayo siya at umalis na lang sa nasabing pulong.

“Sa akin it’s too insulting to say the least na in your face na sabihin sa’yo na mag-withdraw. Ako lang ang puwedeng mag-decide kung magwi-withdraw ako. No other person because ito na yung desisyon ko,” ani Lacson.

Gayunpaman, binigyang-diin ng senador na itutuloy pa rin niya ang pagtakbo sa pagka-pangulo.

“Ang sagot ko nga kay Sen. Drilon noon, ‘We have reached the point of no return… at this point in time, I don’t think we can still entertain the thought of withdrawing,,” ayon pa kay Lacson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?