198

Sep 12, 2021 @ 21:30
By

Lacson nagtataka sa gusot ng Senado, Palasyo

Ipinagtataka ni Senador Panfilo Lacson na sa halip na magtulungan, tila nasa magkaibang panig ngayon ang Palasyo at Senado pagdating sa isyu ng katiwalian.

Kasalukuyang dumadaan sa Blue Ribbon Committee ng Senado ang imbestigasyon sa overpriced na health equipment na binili ng ilang ahensya ng gobyerno.

Ngunit sa halip na tumulong, tila nasa ibang posisyon si Pangulong Rodrigo Duterte at binanatan pa ang mga senador na nangunguna sa imbestigasyon, isa na rito si Lacson.

Kaya naman para sa senador, hindi niya lubos maisip kung bakit magkaiba ang panig ng lehislatura sa ehekutibo hinggil sa isyu.

“I never imagined Malacañang and the Senate would be in a deadlock over an issue of corruption when we are supposed to be on the same side,” pahayag ni Lacson sa isang tweet ngayong Linggo.

Bukod kay Lacson, ang iba pang binanatan ni Duterte ay sina Senador Franklin Drilon at Dick Gordon, kung saan inungkat pa ng pangulo ang mga isyu sa kanilang karera bilang politiko. (MJD)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?