4,165

Dec 27, 2017 @ 17:42
By

Lacson nagtaka, naghinala sa appointment ni Faeldon sa OCD

Laking pagtataka ni Sen. Ping Lacson sa pagbibigay ni Pangulong Duterte ng bagong puwesto kay dating Bureau of Customs Commissioner Nicanor Faeldon sa Office of Civil Defense sa kabila ng isyu ng katiwalian laban dito.

Ayon kay Lacson, nasa Pangulo kung sino ang gusto niyang pagkatiwalaan at bigyan ng pwesto pero hindi maiiwasan na mapag-isipan na mayroon itong alas na magagamit laban sa pamilya ng Pangulo.

“Nakakapagtaka talaga. Ang masasabi ko lang is – ang tiwala ng isang tao sa iba ay base sa kanyang sariling pananaw at paniniwala,” ani Lacson.

“To say that Faeldon has the goods on the president or any of his close relatives in regard to the payola system involving the Davao group may be speculative at this point. However, rightly or wrongly, one cannot help but think that the president’s open display of his unequivocal support and trust on Faeldon has something to do with that ugly issue,” dagdag ng Senador.

Samantala, kahit binigyan ng bagong puwesto si Faeldon sa OCD, sinabi ni Lacson na hindi pa rin ito pakakawalan ng Senado.

“Certainly, the president has the authority to exercise his prerogative to appoint him. However, the Senate cannot also be dictated upon to release Faeldon from custody,” pahayag nito.

Puwede aniyang magtrabaho ni Faeldon pero habang nasa detensyon ng Senado maliban na lang kung ipasya ng kapulungan na ito ay palayain.

“So, while he can assume his new post at the OCD, he may have to function from the senate detention facility via remote control, unless his contempt citation is lifted by the senate acting as a collegial body,” ani Lacson. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?