101

Aug 5, 2021 @ 13:22
By

Lacson nagbabala: Parte ng pondo ng NTF-ELCAC ginagamit sa ‘census’

Binuking ni Senador Panfilo Lacson nitong Huwebes ang natanggap niyang ulat na may nagsasagawa ng census sa mga liblib na barangay gamit ang bahagi ng pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ani Lacson, sa natanggap niyang ulat ay ang P800 milyong bahagi ng PNP sa pondo ng NTF-ELCAC ay ginamit para sa census.

Pinangangambahan ng senador na ginagamit ang census para sa halalan.

“We received reports, at least sa PNP, merong nagiikot heneral…Yung kanilang P800 plus million, part of that allegedly is being used to give instructions to their chiefs of police na magkaroon ng parang census among residents in a barangay. A certain number,” pahayag ni Lacson sa isang panayam ng ANC.

“Ang gusto nila, 30 percent ng barangay residents ay mag-register to give their names, their contact number saka yung kanilang addresses. So for what reason? Medyo suspicious ‘yon, mukhang pang-eleksyon ito,” dagdag pa ni Lacson.

Ang pondong inilaan sa NTF-ELCAC ay ibibigay sa mga barangay na nakalaya na mula sa mga aktibidad ng New Peoples’ Army upang magamit sa pagdebelop ng kanilang lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?