222
ABANTE TONITE PING LACSON

Lacson nag-sorry kay Pimentel ukol sa Senate presidency

Sharing is caring!

Inamin ni Senador Panfilo Lacson na nagkamali siya sa paghahayag na papalit na si Senate majority leader Tito Sotto sa puwesto ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel Jr.

Sa kaniyang Twitter account, humingi si Lacson ng paumanhin kay Pimentel.

Akala lang umano niya na may kasunduan na sina Pimentel at Sotto.

“An apology is in order and is therefore offered to Senate President Koko Pimentel,” ani Lacson.

“It was my understanding that a leadership change in the Senate between him and Sen. Sotto does exist,” dagdag nito.

Sa Kapihan sa Senado, news forum sa Senado, kaninang umaga, sinabi ni Lacson na sa kaniyang pagkakaaam, papalit na si Sotto bilang pangulo ng Senado sa Hulyo o kaya ay sa Oktubre.

Agad na sinabi ni Pimentel na walang anumang kasunduan ni Sotto bagaman mag-uusap sila at ang majority bloc pagbalik nila sa sesyon sa Mayo 15.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?