600

Jun 18, 2019 @ 10:39
By

Lacson nadismaya sa pahayag ni Duterte sa sinapit ng 22 mangingisda sa Recto bank

Iniwan umano tayong ‘heartbroken’ ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos na basagin nito ang pananahimik tungkol sa naganap na pagbangga ng Chinese fishing vessel sa bangka ng mga mangingisdang Pilipino sa Recto Bank, ani Senador Ping Lacson.

Sa talumpati ng Pangulo sa ika-121 anibersaryo ng Philippine Navy sa Heracleo Alano Naval Base sa Cavite, sinabi ng Pangulo na hindi kailangang gatungan at palalain ang sitwasyon.

Saad ng Pangulo, isang maritime incident ang nangyari at hindi kailangang pagsimulan ng gulo o maging rason para magsimula ang giyera sa pagitan ng Pinas at China lalung-lalo na na hindi handa ang Pilipinas sa ganitong aksyon.

“Yung nangyari diyan sa banggaan, that is a maritime incident. Huwag kayong maniwala diyan sa mga politiko na bobo. Gusto papuntahin ‘yung Navy. You do not send gray ships there. Banggan lang ng barko ‘yan, do not make it worse because that’s a fertile ground for…” saad ng Pangulo.

Sa Twitter post naman ni Senator Ping Lacson, nagpahayag ng pagkadismaya ang senador ukol dito.

“The president broke his silence and left us heartbroken. He forgot to explore all resources available before exercising his last option of surrender. The MDT is one yet untapped weapon. I am not suggesting WW3 but at least it can make China feel the balance of power in the WPS,” saad ni Lacson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?