152

Jan 24, 2021 @ 13:28

Lacson naalala ang ina sa dinahas na vendor

Personal ang dahilan kung bakit gustong tulungan ni Senador Panfilo Lacson ang lalaking vendor na pinosasan, sapilitang pinadapa, at pinagsisipa ng ilang tauhan ng Parañaque Task Force (PTF).

Isa si Lacson sa mga politiko na nabahala sa viral video ng marahas na clearing operations ng PTF, kung saan kinuha ng PTF ang kariton ng vendor. “That poor vendor’s ‘kariton’ may be his family’s only lifeline. I am doing something about this,” saad niya pa.

Kinuwestiyon ng isang netizen kung mangingielam din ba ang senador sakaling ang gumawa ng pandarahas sa vendor ay mga pulis o sundalo “who gets order directly from Duterte”, o magso-scroll down lang ito gaya ng isang “enabler”.

Hindi direktang sinagot ni Lacson ang tanong, at sinabi na ang dahilan ng kanyang pakikisangkot ay dahil isa ring mahirap na vendor ang kanyang yumaong nanay.

“Even for a while, can’t we think of the plight of the vendor first? Now, before anybody questions my motive for getting involved – it’s personal. My late mother was a poor vendor like Warren. She was luckier as she paid her dues in our small town’s public market,” ayon sa mambabatas, sa Twitter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?