24

Feb 16, 2021 @ 13:36
By

Lacson: Mga senador may ‘sey’ sa VFA

Malinaw umano ang nakasaad sa 1987 Constitution na may “say” ang mga senador sa international agreement tulad ng PH-US Visiting Forces Agreement, lalo kung makakaapekto ito sa “long-term national interest and security” ng bansa.

Ito ang inihayag Senador Panfilo Lacson kasabay nang pagsabing ang diplomatic at civil approach ay mas epektibo sa pag-uphold ng national interest ng bansa sa katagalan.

“I may not be a lawyer like the President. But last time I read the Constitution, a senator has something to do with international agreements,” sabi ni Lacson.

“The President should refresh his memory by reading Article VII, Sec. 21 of the 1987 Constitution. It says: No treaty or international agreement shall be valid and effective unless concurred in by at least two-thirds of all the Members of the Senate,” said Lacson, who chairs the Senate Committee on National Defense” dagdag pa nito.

Ipinunto ni Lacson na naghain ang Senado noong Marso 2020 ng isang petisyon para sa declaratory relief at mandamus sa Korte Suprema na humihiling na maglabas ng desisyon kung kailangan pa ng Senate concurrence sa pagputol ng mga kasunduan tulad ng VFA.

Dagdag nito, 14 senador ang naghain ng Senate resolution na katulad din ng 2/3 vote ng mga senador na kinakailangan para ibasura ang isang international agreement.

“There is a pending petition in the Supreme Court in this regard and the issue has not been settled. All the more that as a senator, I have something to do with the President’s threat to terminate the VFA if the US doesn’t pay up,” sabi ni Lacson.

Samantala, sinabi ni Lacson na bagama’t gumagamit ang pangulo ng “strong words”, hindi ito pwuedeng i-apply sa kaso ng isang kasunduan sa isang foreign country.

“That said, even an ordinary citizen of this country who feels embarrassed by his harsh, undiplomatic remarks concerning an existing bilateral agreement is guaranteed under the same Constitution to express his or her views. Not anyone, even he cannot curtail that basic right,” ayon kay Lacson.

“This is more so in the case of agreements with other states. Common sense alone mandates that there should be no room for misinterpretation or misunderstanding,” saad pa nito.

Binigyang-diin pa ni Lacson na ang VFA ay may long-term effect sa national interest at national ssecurity ng bansa.

“We are not being pro-US or anti-China. But our Constitution mandates that we must uphold the national interest,” ayon kay Lacson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?