43

Nov 23, 2020 @ 16:06
By

Lacson, mga blogger tumulong sa Cagayan

Katuwang ang Bloggers of Tuguegarao, namahagi ng relief goods at galon ng tubig si Senador Ping Lacson sa ilang residente ng Solana, Cagayan na matinding binaha kamakailan.

Sa Facebook post ng BOT, nagpasalamat sila sa senador at sa mga awtoridad na tumulong sa kanilang relief drive.

“Hindi rin natin nakalimutan ang mga residente sa Sitio Ipil, Brgy. Bauan East, Solana Cagayan na makapag abot ng tulong sa 150 na pamilyang nangangailangan. Ito ay naging posible dahil sa pakikipagtulungan ng opisina ni Senator Ping Lacson na namahagi ng 120 na relief goods at 105 galon ng tubig. Nagdagdag din tayo ng 30 relief goods mula sa Bloggers of Tuguegarao,” ayon sa BOT.

“Maraming salamat din sa STATMED at sa 48th Infantry Guardians Batallion sa paghahatid ng mga relief goods sa lugar. Inalalayan din tayo ng Cagayan Police Provincial Office para mas mabilis na mapuntahan ang mga target na mapuntahan ng team ngayong araw,” dagdag nila.

Sinabi nina Janford at Marky, nanawagan ang mga residente roon ng malinis na tubig gayong nalubog sa baha ang mga pump well. Hanggang ngayon anila ay kontaminado ng maruming tubig ang mga pump well.

“Maraming salamat sa lahat ng nagpaabot ng tulong sa pamamagitan ng #CagayanNeedsHelp relief drive ng BOT,” ayon pa sa mga blogger.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?