22

Jun 5, 2020 @ 13:22
By

Lacson: May special treatment kay Duque

Hindi maintindihan ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson dahil tila may special treatment umano para kay Health Secretary Francisco Duque III para manatili pa rin sa kanyang pwesto.

“Many of us are starting to wonder what ‘amulet’ DOH Secretary Francisco Duque III has to deserve such a special treatment,” ayon kay Lacson.

Ito’y reaksyon ng senador matapos na sisihin ni Duque ang kanyang mga tauhan sa delayed na pamimigay ng benipisyo sa mga health worker na lumalaban o nasawi dahil sa COVID-19.

Pakli ni Lacson, lagi na lang umanong nakakatakas si Duque sa mga kakulangan ng ahensya.

“[I]t is kind of boring to see Sec. Duque pointing fingers at his subordinates and other people for his pattern of failures in running the DOH – and getting away with it each time,” sambit ng mambabatas.

“Now, he even blames inadequacies and neglect on those who have not received the compensation allowances, by claiming that some of them have two wives,” aniya pa.

Matatandaan na isa si Lacson sa 14 senador na humiling na mag-resign na si Duque dahil sa umano’y mga incompetency nito sa COVID-19 effort.

“Just go,” maikli pero malamang wika ni Lacson kay Duque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?