168

Dec 30, 2020 @ 10:18

Lacson may payo kay Duterte

Para kay Senador Ping Lacson, ito dapat ang gawin ni Presidente Rodrigo Duterte sa mambabatas para malaman kung sangkot ito sa katiwalian.

“Next time, perhaps the president should ask a simple question while looking them straight in the eyes: Cong, may ‘komisyon’ ka ba o wala?” ayon kay Lacson sa Twitter ngayong Miyerkoles.

Matatandaang sinapubliko ni Duterte ang pangalan ng siyam na kongresista na kabilang sa listahan na isinumite ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na diumano’y sangkot sa korapsyon.

Punto ng Pangulo, ang pagkakabilang sa listahan ay hindi nangangahulugan na may matibay na ebidensya laban sa mga ito. Pero nilantad niya pa rin ang mga pangalan.

Tinanggi naman ng mga mambabatas na korap sila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?