52

Dec 2, 2020 @ 13:38
By

Lacson: Makabayan bloc ‘bunch of losers’

Binuweltahan ni Senador Panfilo Lacson ang Makabayan bloc matapos sabihin ng isa sa kanilang miyembro na lugar para sa ‘witch hunting’ ang ginagawang imbestigasyon ng Senado sa red-tagging.

“Just because the Makabayan bloc cannot have it themselves, in spite of all the time and space that the committee had given them, not to mention the fact that I was even defending them at least a couple of times, they still have the temerity to accuse the senate of with hunting,” pahayag ni Lacson sa kanyang mensahe sa mga reporter.

“Looking for a scapegoat in the committee for their failure to address squarely the allegations of the former NPA rebels could only indicate their inadequacy during the hearings,” dagdag pa nito.

Nauna rito, nagpadala ng liham si Bayan Muna Rep. Carlos Zarate kay Lacson na nagsasaad na hindi siya makakadalo sa ikatlong pagdinig ng Senado sa red-tagging.

Nakasaad pa sa liham na na ginagamit ng anti-insurgency task force ng gobyerno ang imbestigasyon ng Senado para sirain ang kanilang grupo sa pamamagitan na mapanira at walang basehang mga akusasyon.

Subalit giit ni Lacson, naging pataas naman aniya ang komite sa nagdaang tatlong imbestigasyon ng Senate Committee on National Defense and Security, Peace, Unification and Reconciliation.

“As a matter of fact, I am seriously considering the recommendation to criminalize red tagging as long as such legislation will not infringe on the bill of rights involving freedom of speech and expression,” ayon kay Lacson.

“We will collate all the testimonies and documents submitted by both sides to the committee and thereafter come up with our conclusions and recommendations in our committee report,” saad pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?