1,224

By

Lacson: Komisyon sa ‘pork’, ugat ng away ng mga kongresista

Sharing is caring!

Nakatitiyak si Senador Panfilo Lacson na dahil sa komisyon kaya nag-aaway at diumanoy halos magsuntukan ang mga kongresista kaugnay ng P55 bilyong pork barrel funds na kanilang ipinasok sa panukalang year 2019 national budget.

“Let’s face it. Kaya pinag-aawayan ang pork barrel, kasi may commission eh,” ani Lacson.

Nitong Martes, nagsigawan umano sina Davao City Representative Karlo Nograles, chairman ng House Appropriations Committee, at House Majority Leader Rolando Andaya sa closed-door meeting ukol sa badyet.

Halos magsuntukan naman umano sina Andaya at Camarines Sur Rep. Luis Raymond Villafuerte.

Sa kaniyang impormasyon, batay sa timbre ng mga kontratista, nasa 10% ang komisyon na nakukuha ng mambabatas sa mga proyektong ginastusan ng pork barrel funds.

Nabibigyan din umano ng ‘lagay’ ang ahensya na nagpapatupad ng pork barrel-funded projects.

“Pag nakausap mo ang contractors at, ako nakausap ko ang mga contractors, bumaba ‘yan. Naging 10%, sabi nila 10% sa mga mambabatas pero meron pa rin pa rin silang sine-shell out sa mga ahensya. So ganoon pa rin, give or take nasa 20% pa rin natatapon sa corruption dahil sa pork barrel,” ani Lacson.

Bumaba na umano ang komisyong ito na dati ay umaabot sa 40%.

“Dati mga 20 porsyento, ang matatakaw 30 to 40 (porsyento) kaya laging sira ang kalsada natin,” dagdag ni Lacson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }