4,670

Nov 5, 2018 @ 19:05
By

Lacson kinontra si Robredo: Sister Fox parang hindi madre kung bumanat

Nadismaya si Senador Panfilo Lacson kay Sister Patricia Fox na bumanat nang husto kay Pangulong Rodrigo Duterte bago umalis sa Pilipinas at pagdating nito sa Australia kung saan ito pinabalik ng gobyerno.

Ayon kay Lacson, hindi niya inakala na magbibitiw ng matatalim na salita at magbibitbit ng galit ang madre dahil hindi ito ang turo sa Simbahang Katoliko.

“First, I couldn’t believe those words were uttered by a nun. She just can’t contain her bitterness and hatred which doesn’t represent the teachings of the Catholic Church,” sabi ni Lacson.

Kaysa bumanat kay Pangulong Duterte, ipinagdasal na lang sana umano ni Fox ang mga opisyal ng bansa na kumupkop dito sa loob ng halos tatlong dekada.

Sana rin umano ay ipinagdasal din ng madre ang sambayanang Filipino.

Dahil sa mga tirada ng madre, kinontra ni Lacson ang sinabi ni Vice President Leni Robredo na mas Filipino pa si Fox kaysa sa tunay na mga Filipino.

Aniya, “She should have offered prayers for the enlightenment of concerned government officials instead of tirades and harsh criticisms against an elected leader of a country that hospitably hosted her for so many years. She should have offered prayers instead for the Filipinos whom she claimed she loves dearly. Having said that, she cannot be more Filipino than most of us.”

Idinepensa naman ni Lacson ang Bureau of Immigration at Department of Justice na nagpabalik kay Fox sa Australia.

Pinalayas si Fox dahil sa pagsali sa mga kilos-protesta laban sa gobyerno. Sa mga batas at regulasyon ng bansa, bawal lumahok sa ganitong gawin ang mga dayuhan.

Ganito rin umano ang patakaran sa lahat ng bansa sa buong mundo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?