19

By

Lacson kina Arroyo, Andaya: Kung ayaw niyo sa ‘pork’, tanggihan niyo!

Sharing is caring!

Kung hindi binraso nina House Speaker Gloria Macapagal Arroyo at House Majority Leader Rolando Andaya ang nasa P4.3 bilyon para sa mga proyekto ng kanilang balwarte, pwede nila itong tanggihan o kaya ay pabawasan.

Tugon ito ni Senador Panfilo Lacson sa sinabi ni Andaya na hindi nila hiningi ang malaking badyet para sa kanilang distrito at lalawigan bagkus ay resulta ito ng pagkagalante ng House Appropriations Committee na nag-aprub sa rekumendasyon ng mga lokal na opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon kay Lacson, pwedeng sulatan nina Arroyo at Andaya si Senadora Loren Legarda na chairman ng Senate Committee on Finance para magpatanggal o magpabawas ng umano’y maituturing na pork barrel funds.

“Since Cong. Andaya said that it was a gesture of ‘misplaced generosity’ by some of their colleagues in the House, pwede pa nilang ipa-delete o bawasan ang allocation sa mga distrito nila by writing to the chair of finance,” ani Lacson.

Ikasisiya umano nila sa Senado ang ganung pagpapakumbaba kung gagawin nina Arroyo at Andaya.

“We will welcome that gesture of compunction from the 2 House leaders, or a genuine gesture of good faith,” dagdag ni Lacson.

Isiniwalat ni Lacson na sa panukalang 2019 Budget na inaprubahan ng Kamara, pinabibigyan ng P2.4 bilyon ang mga bayan sa distrito sa Pampanga na ikinakatawan ni Arroyo.

Ibinunyag din nito na may P1.9 bilyon ang halaga ng mga proyektong ipinabibigay sa Camarines Sur na lalawigan ni Andaya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?