156

May 9, 2021 @ 9:35
By

Lacson kay Roque: Hindi natuloy debate, tigil na sa damage control

Kung si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ang tatanungin, dapat na manahimik na si Presidential Spokesperson Harry Roque tungkol sa naudlot na debate kay dating Supreme Court Justice Antonio Carpio.

Sa tweet ni Lacson nitong Linggo, sinabi niya na baka lumaki pa ang pinsala kung itutulak ang debate tungkol sa isyu ng mga pinag-aagawang teritoryo ng Pilipinas at China.

“Harry, hindi na natuloy ang debate, period. Itigil na lang ang ‘damage control’,” giit ni Lacson.

“Baka lumaki pa ang damage. Let go and fight another battle,” aniya pa.

Matatandaan na umatras si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang hamon ng debate kay Carpio, at pinili si Roque para kanyang maging representative.

Ngunit inilarawan ni Carpio na ‘useless exercise’ ang debate kay Roque kung ang Scarborough Shoal at Mischief Reef ang kanilang pag-uusapan, dahil mawawala lang ang interes ng publiko sa mga isyu tungkol sa West Philippine Sea.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?