129

Dec 21, 2017 @ 18:53
By

Lacson kay Duterte: Sobrang pork ng mga mambabatas, tapyasin

Umaasa si Senador Panfilo Lacson na tinagpas ni Pangulong Duterte ang umano ay sobra-sobrang pork barrel ng mga mambabatas bago niya nilagdaan ang batas para sa pambansang badyet sa 2018.

Ayon kay Lacson, ilang kongresista at kapwa senador ang nakapagsingit sa General Appropriation Act ng badyet para sa mga proyekto na para lamang sa kanilang pansariling pakinabang.

Mayroon ding nakapagpasok sa badyet ng napakalalaking halaga para sa kanilang pet project na hindi naman napag-aralan nang husto ang proyekto at ang badyet dahil hindi dumaan sa mga local development council.

Diin ng senador, kinikilala niya ang karapatan ng mga kapwa mambabatas na maggiit na badyetan ang mga gusto nilang proyekto para sa kanialng constituents o napiling bigyan ng pondo pero dapat aniya ay dumaan ang mga ito sa tamang proseso at masiguro na publiko ang makikinabang at hindi ang mga pulitiko.

Nilagdaan ni Pangulong Duterte nitong Martes ang batas ukol sa pambansang badyet para sa susunod na taon na P3.767 trilyon.

Inihayag ni Budget Secretary Benjamin Diokno na may na-veto o tinagpas ang pangulo pero hindi pa tinukoy ang mga ito.

“I hope the President vetoes all the excessive pork barrel allocations inserted by individual lawmakers in the 2018 national budget,” sabi ni Lacson.

barrel ang mga mambabatas sa kabila ng deklarasyon ng Korte Suprema na labag ito sa Konstitusyon.

Ang pagmamaktol ng 24 na konggresistang taga-oposisyon na hindi nabigyan ng pondo ay katibayan na umano na mayroong pondo o pork barrel ang mahigit 200 iba pang konggresista at senador na tahimik ukol sa pambansang badyet.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?