2,866

By

Lacson kay Ben Tulfo: Hindi mamumuti kundi manlilisik ang mata ng bayan sa inyo!

Sharing is caring!

Binalaan ni Senador Panfilo Lacson ang kapatid ni dating Department of Tourism (DOT) Secretary Wanda Tulfo Teo na patuloy na tumatangging isauli ang P60 milyong nakuha mula sa kontrobersyal nitong advertising contract sa DOT.

Ayon kay Lacson, maaring makatikim ng galit ng bayan at ng batas ang mga Tulfo.

Hindi aniya mamumuti ang mga mata ng bayan at ng batas kundi maaaring manlisik ito laban sa mga Tulfo.

Pinatutungkulan dito si Ben Tulfo, isa sa mga kapatid ni Wanda na nagsabi sa kaniyang Facebook account na mamumutla na ang mga mata ng mga nagpapasauli ng nakuha nilang pera mula sa DOT.

Bayad umano iyon sa mga patalastas ng DOT na ipinalabas sa programa sa PTV 4 ni Ben at ng kapatid na si Erwin Tulfo.

Nakuha ang kontrata habang nakaupo ang kapatid na si Wanda sa DOT.

“Marahil ang hindi naisip ni Ben Tulfo ay kung sa halip na mamuti ay manlisik ang mga mata ng taumbayan at ng batas. Yun ang malungkot at malupit na puwedeng mangyari,” sabi ni Lacson. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?