83

May 9, 2021 @ 21:02
By

Lacson inalala asawa, ina sa Mother’s day

Inalala ni Senador Ping Lacson ang kagitingan ng kanyang asawa at yumaong ina sa simpleng Instagram posts nitong Linggo sa paggunita ng Mother’s day.

“Sa aking asawa, nanay na aking mga anak at aming ilaw ng tahanan… Happy Mother’s Day, mahal kong Alice,” saadi ni Lacson sa kanyang Instagram post.

Sa litratong nasa post ni Lacson ay binigyan niya ng isang simpleng cake ang minamahal na asawa.

Ngunit higit na nakaantig sa puso ang isa pa niyang Instagram post sa parehong araw kung saan inalala nito ang mga sakripisyo ng kanyang yumaong ina upang silang magkakapatid ay mapalaki nang maayos.

“Hindi ko makakalimutan ang mga paalala niya na panghawakan ang prinsipyo disiplina at paggabay na itinuro niya sa aming magkakapatid. Siya ang unang nagmulat sa akin na ipaglaban ang tama at labanan ang mali,” pahayag ni Lacson.

“Noong pumanaw siya, lubos ang aking kawalan at dalamhati. Iba ang bigat sa puso kapag nanay ang nawala,” dagdag pa ng senador.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?