44

Nov 25, 2021 @ 21:43
By

Lacson: Hindi nagagamit na pondo ng gobyerno, P328.5B kada taon

May average na P328.5 bilyon ang hindi nagagastos na pondo ng gobyerno kada taon sa nakalipas na sampung taon, ayon kay Senador Panfilo Lacson.

“For the past 10 years—2010 hanggang to date, 2020—ang unused appropriations ng buong national budget, average yearly, P328.5-billion,” sabi ni Lacson, standard bearer ng Partido Reporma, sa isang online press conference.

Binigyang diin ni Lacson dapat dapat himaying mabuti ang pondo kada taon dahil nagsisilbi itong ‘lifeline’ ng ekonomiya ng bansa.

“Mabuti na lamang at ang Senado….talagang kami lagi kaming nakabantay sa budget eh, kasi ‘yun ang lifeline ng ating ekonomiya or ‘yung buhay natin dito sa bansang Pilipinas, ‘yan ang lifeline natin,” ani Lacson.

‘Pag pinabayaan ‘yan, tigok tayong lahat,” dagdag pa nito.

Nitong Miyerkoles, natapos na ng Senado ang deliberasyon ng panukalang 2022 budget at balak na aprubahan ito sa unang linggo ng Disyembre.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?