2,747

By

Lacson: Hindi kawatan si Noynoy

Sharing is caring!

Umalma si Senador Panfilo Lacson sa rekomendasyon ng Senate Blue Ribbon Committee na sampahan ng kasong katiwalian si dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III nang dahil sa pagpapabili ng bakunang Dengvaxia.

Ayon kay Lacson, hindi pa niya nababasa ang draft report ng komite pero alam niyang hindi kawatan si Aquino.

“Having worked closely with ex-PNoy (Aquino) both in the Senate and Malacañang, it is difficult for me to believe that he was capable of committing graft and corruption,” ani Lacson.

Nagkasabay sa Senado sina Aquino at Lacson noong 2007 hanggang 2010.

Nagsilbi naman si Lacson na Yolanda rehabilitation czar noong Pangulo ng bansa si Aquino.

Sa draft committee report na inakda ni Senador Richard Gordon, rekomendado na kasuhan ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act si Aquino kasama nina dating Health Secretary Janette Garin at dating Budget Secretary Florencio Abad dahil nagsabwatan umano para mapabilis ang pagbili ng bakuna kahit hindi pa iyon garantisadong ligtas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?