41

Oct 3, 2017 @ 12:47

Lacson: Faeldon marami pang kakaining smuggled na bigas

Sinopla ni Senador Panfilo Lacson ang hiling ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon na ilipat sa Senate Committee of the Whole ang ethics complaint nito laban sa mambabatas.

Ayon kay Lacson, ang pag convene ng naturang kumite ay inilalatag sa plenaryo ng isa nilang miyembro o sa pamamagitan ng mosyon ng isang mambabatas at saka aaprubahan ng mayorya ng mga senador.

Hindi anya ito maaaring hilingin ng isang pribadong indibidwal lalo pa ang isang personalidad na pinatawan ng contempt ng senado.

“Marami pang kakaining smuggled na bigas itong si Faeldon. Pati trabaho ng senador pinanghihimasukan,” saad ni Lacson.
Noong Lunes ay naghain ng omnibus motion si Faeldon upang ilipat sa Committee of the Whole ang kanyang reklamo na nakahain sa Ethics Committee.

Ito ay makaraang magdesisyon ang kumite na ibinbin muna ang pagtalakay sa reklamo dahil hindi nagmamatigas si Faeldon na huwag dumalo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committe sa P6.4 bilyon na shabu shipment na nakalusot sa Bureau of Customs. (Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?